KABANATA 16: Features Parinigan
Hindi ko sigurado kung bakit kailangan pang magselos ni Nicole.
Wala naman kaming label. Wala rin naman kaming nakaraan.
At kung tutuusin, siya ang nagsabi sa akin ng malinaw noon: “Doms, may pamilya na ako. Hindi pwede.”73Please respect copyright.PENANAkwqHSxxsUE
At tinanggap ko ‘yon. Masakit man, pero tinanggap ko.
Kaya ngayon, habang unti-unti akong napapalapit kay Jeanine, ‘di ko maintindihan bakit biglang ang daming parinig, pasaring, at mga komento ni Nicole na parang may pinaghuhugutan.
“Bilis mo palang makalimot.”73Please respect copyright.PENANAOkPSH9HrGQ
“Nakakatuwa, ang saya mo na ngayon.”73Please respect copyright.PENANAeU7NaltcH4
“Cute niyo. Galing niyo magpakilig.”73Please respect copyright.PENANAqBcc2hFJmL
“Admin lang pala, pero parang iba na ata.”
Sa una, pinilit kong bale-walain. Baka nagbibiro lang siya. Baka wala lang siya masabi.73Please respect copyright.PENANAoQnYdkiubR
Pero nung naging mas madalas na—at lalo na sa harap ng ibang listeners sa app—hindi ko na alam kung matatawa ako o mahihiya.
At si Jeanine? Tahimik lang.
Wala siyang sinasabi, walang komento, walang pabitaw ng sama ng loob kahit kita ko na paminsan-minsan, tumitigas ang panga niya habang binabasa ang mga komento sa stream.73Please respect copyright.PENANAhnePdOJJWm
Yung mga "Uy may ka-rival na ata si Jeanine" or "Nicole vs Jeanine, pak ganern!"
Pero isang gabi, habang naka-live kami ni Jeanine—kami lang dalawa sa broadcast—hindi ko in-expect ang mga binitiwan niyang salita.
Bigla siyang nagsalita, habang nakapikit at parang may minememorya lang sa isip:
“You know, I’ve always believed that insecurity doesn’t need to be loud... but sometimes, it screams through sarcasm and subtle sabotage.”
Tahimik lang ako. Nakikinig. Di ako makahinga.
“It’s funny,” tuloy niya, “how people think that being with someone instantly makes them better. It doesn’t. You don’t become more beautiful because you’re wanted. You become more real when you learn to walk away from things that don’t serve your growth.”
Tumingin siya sa camera. Diretso. Buo. Pero hindi galit. Hindi rin mataray.73Please respect copyright.PENANAyWdzD7exmq
Matalino. May kirot. Pero hindi sarkastiko.
“Sometimes, you don’t lose people. You just realize they never belonged in your life in the first place. And bringing someone down? It doesn't make you taller.”
Nagpatuloy pa siya, habang inaayos ang salamin at ngumiti:
“If you ever feel the need to compete, maybe you're playing a game that the other person isn't even aware of.”
Doon ako tuluyang napalunok.73Please respect copyright.PENANA69Qwofyeib
Hindi niya pinangalanan si Nicole.73Please respect copyright.PENANA0B64Ebfj7Z
Hindi niya tinukoy kung sino.73Please respect copyright.PENANAidjnFGEJIO
Pero alam kong hindi lang ako ang nakaramdam na may tinatamaan sa bawat salitang binitiwan niya.
Tahimik lang ang chat. Walang nag-comment. Walang nang-asar.73Please respect copyright.PENANADnWJSltqnf
Walang nagbiro.
At sa ilalim ng broadcast window, isang comment lang ang bumagsak.
Mula kay Nicole.
“Nice talk. 👌”
Pero wala nang sumunod pa.
Pagkatapos ng stream, wala pa ring sinabi si Jeanine sa akin. Parang normal lang ang lahat.
Pero ako? Hindi ako makatulog nang hindi iniisip kung paano niya nailagay sa salita ang lahat ng gusto kong sabihin, pero di ko nagawang bitawan.
Tahimik siyang lumaban.73Please respect copyright.PENANAAXGU6rX4Ny
Eleganteng bumangga.73Please respect copyright.PENANA7XdpcodomX
Walang sigawan, pero malakas ang bagsak.
At doon ko lalong nakita—hindi lang basta maganda si Jeanine.73Please respect copyright.PENANA2N2Ted7lMx
May lalim. May dangal.73Please respect copyright.PENANAkKSckbNBYM
At higit sa lahat, may respeto sa sarili.